Siya ay kasalukuyang nakatira sa kanyang pitumpong taong gulang na
lola na siyang nagpalaki sa kanya at itinuturing na niya bilang pangalawa
niyang ina simula ng magkahiwalay ang kaniyang mga magulang.
Tulad ng
maraming artista ay dumanas din ng hirap si Coco bago nakamit ang kasikatan.
Bago pa natin nakilala ang Coco ngayon ay naging isa muna siyang OFW na
nakabase sa Alberta, Canada. Doon siya nagtrabaho bilang isang janitor.
Si Coco Martin
ay nagsimula lamang sa ahensiya ng ABS-CBN, Star Magic, bilang bahagi ng Star
Circle Batch 9. Una siyang lumabas sa isang 2001 film na pinamagatang Luv Txt
at nakilala siya dito sa tunay niyang pangalan na Rodel Nacienceno at matapos
nito ay nasundan pa siyang nabigyan ng proyekto sa mga independiyenteng mga
pelikula.
Simula noon siya
ay lumitaw na sa ilang mga patalastas sa telebisyon bago mapagkalooban ng isang
malaking pagkakataon na maging pangunahing karakter sa pelikulang Masahista
noong taong 2005 kung saan siya ay ginawaran ng Young Critics Circle Best Actor Award noong 2006. Sa parehong taon
ay gumanap di siya sa isa na naming indie film na pinamagatang Kaleldo. Nakabuo
si Coco ng isa na naming katangi tanging pagganap at ngayon kasama niya ang
award winning na director na si Brillante Mendoza. Ang palabas ay pinamagatang
Kinatay at talaga naming pinalakpakan, maging ng international audiences.
Noong 2007,
nagtrabaho siya sa GMA Network at lumitaw sa ilang mga palabas sa GMA TV simula
sa Daisy Siete. Naging miyembro din siya ng bandang tinawag na The Studs. Si Coco ay gumanap din sa
ilang mga gay-oriented na pelikula
tulad ng Daybreak at Jay kung saan siya ay napagkalooban ng kanyang unang Gawad Urian Award bilang Best supporting Actor.
Noong 2008, si Coco
Martin ay bumalik sa ABS-CBN at naging parte ng palabas na Ligaw na Bulaklak
bilang isa sa mga regular na cast. Noong 2009, naging parte siya sa drama serye
na Tayong Dalawa kung saan napanalunan niya ang Best Drama Actor sa 2009 Star Awards for Television sa pagganap
niya sa karakter ni Ramon Lecumberri. Pagkatapos ng Tayong Dalawa, naging parte
naman siya ng panghapong palabas na pinamagatang Nagsimula sa Puso. Sa
parehong taon ay sumali siya sa Star Magic.
Noong 2010, siya
ay naging bahagi naman ng cast ng ABS-CBN primetime drama na Kung Tayo'y
Magkakalayo at nabigyan din siya ng unang pagkakataong maging bida sa komikong
serye bilang Tonyong Bayawak. Naging parte din siya ng palabas na Sa’yo lamang
at ng unang seryeng pangmusika sa ABS-CBN primetime na 1DOL. Muli siyang
nagkaroon ng independent film na pinamagatang Kinatay kung saan siya ay
nanomina para sa FAMAS Award bilang Best Actor.
Noong 2011 ay di
lamang siya nabigyan ng pagkakataong makasama sa mga cast kundi ng pagkakataong
maging pangunahing karakter sa teleseryeng Minsan Lang kita Iibigin na talaga
namang tinangkilik at inabangan ng taongbayan. Dito ay gumanap siya ng dalawang
papel biang isang kambal kung saan nakatambal niya si Maja Salvador at Andi
Eigenman. At noong Mayo nang taon ding yon, natanggap niya ang Dekada Award sa
seremonya ng Gawad Urian. Siya ay hinirang para sa maraming mga parangal dahil
sa kanyang mga di matatawarang pagsasalarawan bilang Alexander at Javier Del
Tierro sa Minsan Lang Kita Iibigin, tulad ng KBP Golden Dove Awards, Golden Screen Awards at Star Awards for TV.
Tinangkilik at
tunay ding inabangan ng masa ang kanyang serye sa primetime drama na
pinamagatang Walang Hanggan, na isang pagsasadula ng 1991 na pelikulang Hihintayin
Kita Sa langit. Dito ay gumanap siya bilang Daniel Cruz at nakatambal niya ang
batang actress na si Julia Montes na gumanap bilang Katerina Alcantara. Nakatrabaho
din niya rito ang dating Matinee Idol at leading man na si Richard Gomez pati
na ang dating Leading Lady star na si Dawn Zulueta. Dito mas nakita ng mga tao
ang mas mapagmahal at romantikong bahagi ni Coco Martin. Nakatambal niya rin
ang mang-aawit na si Angeline Quinto, na sinasabing may paghanga kay Coco, sa
pelikulang Born to Love You at
inaasahan ding makakatambal niya ang batikang aktres na si Judy Ann Santos
Agoncillo sa pelikulang Love Will Lead
You Back. Si Coco ay pumirma rin na gagawa ng pelikulang katambal si Marian
Rivera sa ilalim ng Regal Entertainment.
Noong May 2012
ay isinumite ang pelikulang Juan dela Cruz para sa 2012 Metro Manila Film
Festival, na pingbibidahan ni Coco Martin kasama ng kanyang Tayong Dalawa co-star na si Jay Cuenca, Nagsimula sa Puso at Minsan lang kita Iibigin leading lady na
si Maja Slavador, at si Albert Martinez ngunit sa kasamaang palad, ito ay isa
sa pitong pelikulang na-reject. Napagisipisip ng Cicemedia Films Production
Incorporated at ng ABS-CBN unit head Deo Endrinal na marahil mas magiging
maganda kung ilalagay nalang natin ito bilang isang serye sa telebisyon at ngayong
taong 2013 ay naisakatuparan na nga ito.
Ito ay mga piraso lamang ng mahabang kwento ng buhay ni Coco Martin at nang mga naging kontribusyon niya sa industriya ng pag-aartista. Marami pang bahagi ng mga pinagdaanan ni Coco patungong kasikatan ang hindi natin alam ngunit kaunti man ang ating kaalaman tungkol sa kabuuan ng kwento ay sapat na ito upang ating masabi na si Coco ay talagang maipagmamalaki dahil sa kanyang di matatawarang pagpapamalas ng husay sa pag-arte. Tunay ngang karapat dapat siya sa mga parangal na kaniyang nakamit dahil talagang mas pinayaman niya ang larangan kung saan siya nabibilang. Muli niyang pinatunayan ang galing ng Pinoy, ang galing na wala sa iba at dito lang talaga.
Atribusyon:
Franco, Bernie (2010-08-03). "Coco Martin will continue doing indie movies". ABS-CBN. http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/8208/Coco-Martin-will-continue-doing-indie-movies.aspx. Retrieved March 20, 2013
Coco Martin Biography Profile and Pictures. http://makulits.com/coco-martin/#sthash.YNLStzqq.dpuf. Retrieved March 20, 2013
http://www.imdb.com/name/nm2029519/bio
http://en.wikipedia.org/wiki/Coco_Martin
chareyes.com
chareyes.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento